Pages

Friday, October 1, 2010

Liderato ni Ben Datuin bilang Grand Knight kinilala ng KofC

TULUNG-TULONG, kayang kaya natin ito(TTKKNI).
Ito ang nagsilbing inspirasyon ng mga miyembro ng Knights of Columbus Calasiao Council 9119 kung kaya’t sa loob ng dalawang termino na pangunguna bilang Grand Knight ni dating Mayor Bernardino “Ben” Datuin ay iginawad ang dalawang pinakamataas na parangal na nagmula sa KofC Supreme Council sa New Haven, Connecticut, USA.
Sa paglipat ni Datuin ng liderato bilang Grand Knight kay G. Robert Umangay noong Linggo (Sept. 26) kasabay ng 25th Year installation of Officers and Induction of Service Program Personnel for Columbian year 2010-2011, pinasalamatan niya ang lahat ng mga miyembro at opisyales ng KofC na nakipagtulungan sa kanya para matamo ang mga programa na kaniyang isinulong.
Natanggap niya ang Star Council Award noong unang termino niya (2006-2008) at sa ikalawang termino naman (2008-2010) ay ang Grand Knight Leadership Award.
Sa pamumuno ni Datuin ay unti-unting naitayo ang Chamber House ng Knights of Columbus Calasiao Council 9119 sa loob mismo ng Sts. Peter and Paul Parish.
 “Malaki din ang ating pasasalamat sa suporta nina Father Jose Carino,  Mayor Macanlalay, Mrs. Lourdes Fernandez, Mrs. Emma Bernal Castro at ganoon din kina dating District Deputy Brothers Renato Millan at Florencio Gabrillo para sa tagumpay ng KofC,” pahayag pa ni Datuin.
Si Ex-Mayor Datuin ang may ari ng Datuin Machine Works sa Calasiao na may mga sangay na rin sa Alaminos City, Baguio City, Laoag City at Tarlac City.
Likas na kay Ben Datuin ang pagtulong sa mga nangangailangan bago pa man ito maging Grand Knight sa KofC.
Dahil accredited na rin ng TESDA ang kanyang Datuin Machine Works ay nagbibigay na rin ito ng training o pagsasanay sa mga taong nais matuto ng pag-torno at iba pang trabaho sa machine shop.
Dahil sa mga trainings na naibibigay ng DMW kung kaya’t marami na rin ang nakapag-abroad dahil sa inisyatibong ito ni Ex-Mayor Datuin.
“Nasa KofC man tayo o sa pulitika ay tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong ng pamilya Datuin dahil ibinabalik lamang natin sa mga mahihirap ang mga biyayang ibinibigay sa atin ng Poong Maykapal,” dagdag pa ni Datuin.

No comments:

Post a Comment