IPINAGBABAWAL sa ating batas na makakuha ng government projects ang isang kontraktor na walang lisensya, walang technical capability at walang mga equipment.
In short, ang mga tinatawag na “LAWAY CONTRACTORS” ay dapat hindi payagan na makakuha ng mga infrastructure projects ng gobyerno.
Iba naman ang kaso dito sa San Carlos City, Pangasinan dahil lumalabas sa ating imbestigasyon na paboritong bigyan ng kontrata ni Mayor Jullier “Ayoy” Resuello itong si Kapitan Marcial Lumanlan ng Barangay Bolingit.
Sinabi ng ating mga bubuyog na diumano’y nakokorner ni Kap ang mga milyun-milyong road projects na pinondohan ng city government. Ang masakit pa dito, mismong si Mayor Ayoy diumano ang nang-iimpluwensya sa bidding para mapunta kay kapitan ang mga infrastructure projects na ito. Totoo ba ito, mayor?
Ayos lang sana kung may kapabilidad na mangontrata itong si Kap. Ang problema, nanghihiram lang daw ito ng lisensya sa ibang lehitimong kontratista. Lumalabas na pati mga heavy equipment na ginagamit sa mga projects ay hiram lang ni Kap.
Hindi ba ito alam ni mayor? Bakit pinapayagan na mangyari ito ni mayor?
Payo lang sa mga kontraktor na nagpapahiram ng lisensya dito kay kapitan: Baka ang pangalan ninyo ang masira kung masyadong sub-standard o palpak ang paggawa ng project ni Kap. Mahirap nang mablacklist kayo nyan.
Ayon pa sa ating mga bubuyog, ni hindi pala civil engineer itong si Kapitan. Pati mga trabahador at foreman ay hinihiram din sa kanyang mga projects. Nakakagigil talaga.
Ilan sa mga projects na nakuha nitong si Kap ay ang paspapasemento ng Cobol-Coliling-Sapinit road diyan sa San Carlos. Ang multi-purpose gym sa Bolingit. Pati rin pala ang road project sa Talibaew, Calasiao ay si Kap ang nakakuha ng kontrata. Haay naku, pati DPWH Sub-Office sa Sta. Barbara ay napapaikot ni Kap.
Ang masakit pa dito ay nagrireklamo na rin umano ang mga taga-Bolingit dahil hindi na naaasikaso ni Kapitan ang kanyang barangay dahil palagi na itong busy sa kanyang mga milyun-milyong mga kontrata.
Bakit naman ganyan? Kaya nga tayo kumandidato para maglingkod sa ating barangay di ba Kap? Baka sa susunod na eleksyon ay hindi na kayo iboto. Hehehe
Panawagan din ng taumbayan kay Mayor Ayoy: Sana naman po, kung may mga projects kayo diyan sa San Carlos, dapat sa mga lehitimong kontraktor nyo na lang ipagawa.
Baka pati ibang opisyales diyan sa lungsod ay may masabi sa inyo Mayor dahil may paborito kayong kontraktor.
Ano kaya ang ipinakain ni Kap kay Mayor Ayoy at palagi na yatang nauuto ang guwapong mayor? Bilib pa naman kami sa mga Resuello. Tsk. Tsk. Tsk.
No comments:
Post a Comment